PAGSASAAYOS NG KALSADA AT DRAINAGES SA SAN CARLOS, ISASAGAWA NA; ILANG MGA KALSADA, PANSAMANTALA MUNANG ISASARA

Uumpisahan na ang pagsasaayos sa ilang kakalsadahan at drainage system sa bayan ng San Carlos partikular sa bahagi ng Palaris Street; mula sa harapan ng kanilang City Plaza hanggang sa harapan ng St. Therese.
Dahil dito, naglabas ng ordinansa at maagang paalala ang lokal na pamahalaan sa kanilang official facebook page kung saan magpapatupad ng traffic rerouting scheme at temporary closure sa ilang mga kakalsadahan na magiging bahagi ng konstruksyon nang sa gayon ay maagang maiwasan at mapaghandaan ang inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko.
Isasara ang west bound portion at east bound portion ng Polaris Street at magiging epektibo ang pagpapatupad ng ordinansang ito sa October 10, 2023, araw ng Martes.

Magiging temporary access road naman ang kahabaan ng Malong St. hanggang Bonifacio St. at Gomez para sa mga pampublikong sasakyan at mga motorista na magmumula sa ibang kalapit-bayan na balak pumunta sa mga bayan ng Urbiztondo, Mangatarem, at Aguilar. |ifmnews
Facebook Comments