PAGSASAAYOS NG KALSADA SA BRGY. TOKETEC, TAYUG, NAGSIMULA NA

Unti-unti nang ginagawa ang dating maalikabok na minsa’y maputik na kalsada sa Purok 2, Barangay Toketec, Tayug dahil sa isinasagawang pagsesemento sa kalsada.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng proyekto na gawing mas ligtas at mas maayos ang daanan ng mga tao at sasakyan sa lugar.

Inaasahang giginhawa ang biyahe ng mga residente, motorista at mga nagdadala ng produkto mula sa barangay ng naturang ginagawang kalsada.

Suportado naman ng ilang residente ang road concreting kung saan mas magiging mabilis ang kanilang biyahe tuwing masama ang panahon dahil mawawala na ang putik at lubak sa kalsada.

Ayon pa sa lokal na pamahalaan, ang proyekto ay itinuturing na mahalagang hakbang tungo sa pagsasaayos ng transportasyon sa Tayug.

Facebook Comments