Nakikipag-ugnayan si Benguet Representative Eric Yap sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan para maibalik sa normal ang Kennon Road.
Sabi ni Yap, hindi lang ito para sa kapakanan ng mga motorista kundi para na rin sa kaligtasan ng mga naninirahan sa nabanggit na lugar.
Sinabi ito ni Yap matapos niyang baybayin ang Kennon Road matapos ang pananalasa ng Bagyong Egay.
Peronal na nakita ni Yap ang pinsalang tinamo ng Kennon Road dahil sa bagyo kung saan marami ang batong bumagsak dito dahil sa landslide at mga natumbang poste ng kuryente.
Napuna ni Yap na hanggang ngayon ay wala pang ilaw sa Kennon Road kaya hindi pa ligtas na daanan ng sasakyan lalo at nagkalat pa ang mga debris.
Facebook Comments