Dumaan sa masusing pag-aaral ang proposed plan na inilahad ng lokal na pamahalaan ng Mangatarem sa nakatakdang pagsasaayos ng town hall sa bayan.
Ayon sa tanggapan, may rekomendasyon ng National Commission for Culture and the Arts ang renovation plan ng town hall upang mapanatili ang orihinal na arkitektura at historical value.
Ang pasilidad na tinatawag din na Balay ti Mangatarem ay isa lamang sa mga gusali sa lalawigan na naipatayo noong Spanish Era na pinanatili matapos sunugin ng New People’s Army noong 1946.
Umaasa naman ang mga residente na maisakatuparan ang proyekto alinsunod sa prosesong itinakda ng NCCA. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









