Pagsasaayos ng mga pantalan sa bansa, nagpapatuloy

Nasa 585 port projects ang nakumpleto na sa ilalim ng Duterte Administration simula 2016.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Ports Authority General Manager Jay Daniel Santiago na nagpapatuloy pa ang pamahalaan sa pagsasaayos ng mga pantalan sa buong bansa, kung saan nasa 31 port projects pa ang pasisinayaan, bago ang pagbaba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto.

Bukod dito, ayon sa opisyal, mayroong iba pang proyekto na mapapasinayaan sa ilalim na ng susunod na administrasyon.


Kabilang na aniya rito ang malaking passenger terminal building sa Calapan, Oriental Mindoro, at ang pinakamalaking passenger terminal building sa buong bansa, na matatagpuan sa Zamboanga City.

Ayon sa opisyal, ipagpapatuoy ng kanilang hanay ang pagtatrabaho upang matupad ang ipinangako ni Pangulong Duterte na bigyan ng komportableng buhay ang mga Pilipino, kabilang na ang mga mananakay ng mga sasakyang pandagat.

Facebook Comments