Pagsasaayos ng mga silid-aralan na nasira ng bagyo at habagat, pinamamadali ng isang senador

Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian na madaliin ang pagsasaayos ng mga silid-aralan na sinira ng bagyo at habagat.

Partikular na hinimok ni Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na makipagtulungan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa mga local government unit na madaliin ang assessment at pagkukumpuni ng mga nasirang classroom.

Nangangamba ang senador na kung mananatiling sira ang mga silid-aralan, magpapatuloy ang banta sa kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro.

Iginiit ni Gatchalian na iprayoridad na gawing climate-resilient ang mga silid-aralan at mga gusali ng paaralan hindi lamang para protektahan ang kaligtasan kundi para matigil na ang madalas na pagsasaayos sa mga ito sa tuwing tatama ang kalamidad.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang pag-i-invest sa matatag na imprastruktura ay makatitipid ng resources, mapapangalagaan ang pagkatuto at matitiyak ang pagpapatuloy ng edukasyon.

Facebook Comments