Pagsasaayos ng Nat’l Minimum Wage, nasa kamay ng Kongreso – DOLE

Nasa kamay ng Kongreso ang pagsasaayos ng National Minimum Wage.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – hindi nila sakop ang National Minimum Wage.

Nilinaw din ng kalihim na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ay inatasang mag-convene at i-assess ang economic situation ng kani-kanilang nasasakupan.


Sa ilalim ng Republic Act 6727 o Wage Rationalization Law, ang wage boards ay maaaring i-adjust ang salary rates kung mayroong pressing conditions na nakakaapekto sa kapasidad ng mga manggagawa na maibsan ang inflation.

Facebook Comments