Ipinangako ng gobyerno ng France na muling isasaayos ang nasunog na Norte-Dame de Paris Cathedral.
Ayon kay French President Emmanuel Macron – ang rebuilding ng simbahan ay target nilang matapos sa loob ng limang taon.
Nanawagan din si Macron ng pagkakaisa at hindi ito panahon ng pulitika.
Aabot na sa higit 750 million euros o 845 million dollars ang ibinigay na pledge mula sa mga bilyonaryo, kumpanya at local authorities para maisaayos ang national symbol ng France.
Isa sa tinitingnan nilang anggulo sa imbestigasyon ay posibleng sinadya talagang sunugin ang simbahan o arson.
Facebook Comments