Pagsasaayos ng pagtuturo ng history o kasaysayan, kabilang sa marching order ni PBBM kay incoming DepEd Secretary Senator Sonny Angara

Nagbigay ng marching order si Pangulong Bongbong Marcos Jr., kay bagong talagang Department of Education (DepEd) Secretary Senator Sonny Angara.

Ayon kay Angara, may nabanggit sa kanya ang pangulo tungkol sa pagtuturo ng history o kasaysayan kung saan gagawin itong kawili-wili para sa mga kabataang estudyante upang matiyak na may matututuhan.

Mas ipauunawa aniya sa mga mag-aaral ang mga nangyari sa kasaysayan at hindi na sesentro sa puro pagkakabisado lang.


Aminado si Angara na isang malaking hamon sa kanya ang pagiging kalihim ng isa sa pinakamahalagang ahensya ng pamahalaan.

Kaya naman, para mapagbuti niya ang kanyang tungkulin ay hihingi aniya siya ng tulong at payo mula sa mga mahuhusay pagdating sa edukasyon, mga dating opisyal, mga kasama sa gabinete at maging ang mga kasamahan sa Senado na nanilbihan din dati sa pamahalaan.

Facebook Comments