
Pinag-aaralan na ng Department of Energy (DOE) ang pag-amyenda sa ilang probisyon ng kasalukuyang regulasyon para sa Technology-Solution Retail Outlets, o TSRO
Ang TSRO ay isang uri ng retail outlet na gumagamit ng specially-designed vending machines para magbenta ng produktong petrolyo.
Ito ay pinahihintulutan ng Department of Energy (DOE) sa halip na mamimili ang mga motorista ng iligal at “bote-bote” na gasolina na mas delikado.
Ayon sa DOE, partikular na nais na mabago ay ang distance requirement at mga teknikal na pamantayan.
Layon nito na maiwasan ang aksidente, at matiyak na sumusunod sa safety standards ang lahat ng nag-o-operate.
Ayon kasi sa Bureau of Fire Protection (BFP), may mga naitalang insidente ng sunog na may kaugnayan sa maling pagkakarga ng produktong petrolyo sa ilang outlet.
Ayon sa DOE, may mga mungkahi rin ang ilang LGUs na gawing mas malinaw ang pagpapatupad ng distansya sa pagitan ng mga outlet, para mapanatili ang maayos na kompetisyon nang hindi isinasakripisyo ang kaligtasan.










