Pagsasaayos sa estero sa bansa, kailangan ng “martial law powers”

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan ng “martial law powers” para maayos ang mga estero sa bansa na aniya’y dahilan kung bakit madumi pa rin ang Manila Bay.

Sinabi ito ng Pangulo matapos magbigay ng report sa publiko si Department of the Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu.

Ayon kay Pangulong Duterte, sa matagal na panahon ay lumaki na ang problema ng bansa pagdating sa mga estero.


Aminado ang Pangulo na hindi na aabot sa kanyang administrasyon ang pagsasaayos ng mga estero at kung sino man ang susunod ng Pangulo ay mangangailangan ng mas mabigat na kapangyarihan para solusyunan ito.

Facebook Comments