PAGSASAAYOS SA GUMUHONG IRRIGATION CANAL, PUSPUSAN

CAUAYAN CITY- Kasalukuyan ang ginagawang pagsasaayos ng gumuhong irrigation canal at daan sa bahagi ng Purok 7 Brgy. Alinam, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team sa ilang manggagawa sa lugar, ang pagsasaayos ay pinangunahan ng Provider’s Multi-Purpose Cooperative at National Irrigation Administration kung saan binisita na ng NIA ang nasirang irrigation canal.

Ayon sa kanila, hindi tiyak kung ilang araw aabutin bago matapos ang pagsasaayos rito ngunit gayunpaman puspusan ang pagtatabon sa nasirang bahagi ng irrigation canal at daan.


Samantala, pansamantala pa ring sarado ang nasabing daan at patubig sa nasabing irrigation canal.

Facebook Comments