PAGSASAAYOS SA MGA DRAINAGE CANAL, PRAYORIDAD NG ECHAGUE MATAPOS ANG NARANASANG PAGBAHA

CAUAYAN CITY- Isa sa mga tinitingnan solusyon upang maiwasan muli ang pagbaha sa Echague ay ang pagsasaayos sa mga drainage canal.

Ito ay pinag-usapan ni Municipal Mayor Kiko Dy at ng Engineering Office kung saan napagdiskusyunan kung ano ang mga dapat gawin upang hindi maulit muli ang naranasang pagbaha.

Kasabay nito ay binisita rin ni Mayor Dy ang mga barangay na apektado ni Bagyong Kristine kasama ang MSWDO at Echague Municipal Health Office.


Namahagi naman ang mga ito ng relief goods sa mga apektadong indibidwal sa tulong ng Philippine Army at PNP Echague.

Facebook Comments