Pagsasaayos sa mga kalsadang daraanan ng Traslacion ng Poong Itim na Nazareno, sinimulan na ng DPWH

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa mga kalsada daraanan ng Traslacion ng Poong Itim na Nazareno sa January 9.

Ayon kay DPWH National Capital Region Director Loreta Malaluan, inatasan na nila ang DPWH North at South District Engineering Offices (DEOs) na inspeksyunin at ayusin ang mga may sirang kalasada at road hazards.

Unang nagkabit ng temporary fence sa Arlegui Bridge sa Quiapo, Maynila ang DPWH upang masiguro ang kaligtasan ng mga pedestrian sa Traslacion.


Kabilang din sa maintenance activities ay ang mga pothole o butas sa kalsada, pagtatanggal sa mga nakalaylay na sanga ng puno, at iba pang road obstruction na sakop ng right of way.

Dagdag pa ni Malaluan, maglalagay rin sila ng road barriers para matiyak na makokontrol ang mga deboto na magtutungo sa Quirino Grandstand pabalik ng Quiapo.

Facebook Comments