Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na pangunguluhan nila ang pagsasaayos sa mga nasawi dahil sa Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19.
Ayon kay MMDA Assistant Secretary Celine Pialago, na layunin nito na masaayos ang pag responde ng pamahalaan doon sa mga bangkay na infected ng COVID-19.
Aniya, ang pagtatayo ng communication line para sa mga mayari ng Crematorium sa Metro Manila ay isa lang sa kanilang hakbang upang hindi maging magulo ang pagproseso sa mga bangkay na icre-cremate.
Sa pamamagitan aniya nito mabibigyan ng kaaagarang tulong ang mga pamilya na bangkay tulad ng financial assistance kung sakaling wala itong pambayad, dahil madali nila itong mailalapit sa Department of Social Welfare and Development o DSWD bilang kanilang katuwang sa nasabing programa.
Layunin din aniya nito na matugunan ang agarang pagresponde sa mga bangkay na COVID-19 positive para hindi na ito makapanghawa pa at hindi na mag dulot ng takot at pangamba sa publiko.