Pagsasaayos sa mga pinabagsak na transmission line facilities ng Bagyong Karding, hindi aabutin ng isang linggo ayon sa NGCP

Tiwala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na hindi tatagal ng isang linggo ang pagsasaayos ng mga nasirang transmission lines facilities sa ilang probinsya sa Luzon na naapektuhan ng Bagyong Karding.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Perez-Alabanza na sa ngayon ay wala pa ring suplay ng kuryente ang buong probinsya ng Aurora, habang partial services pa lang sa Nueva Ecija.

Dagdag pa ni Atty. Alabanza, on-going pa rin ang pagpapatrolya ng mga line crew para sa inspection at assessment sa epekto ng bagyo sa kanilang operasyon at pasilidad.


Sa ngayon aniya ay may tatlong tore ang nakitang dumapa o nasira sa Nueva Ecija sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Karding.

Facebook Comments