Pagsasaayos sa passenger terminal building ng Bicol International Airport na nasira ng Bagyong Uwan, aabutin ng 2 linggo —DOTr

Kinumpirma ng Transportation Department na aabutin ng dalawang linggo ang pagsasaayos ng kisame ng passenger terminal ng Bicol International Airport sa Albay.

Tiniyak naman ng Department of Transportation (DOTr) na sa pangkalahatan, maayos ang Bicol Airport at walang iba pang malaking pinsala kaya tuloy ang operasyon ng paliparan.

Tiniyak naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na patuloy ang “on the ground assessment” ng mga airports upang matiyak ang structural integrity ng mga ito.

Una nang nag-ikot sa Albay si acting Sec. Giovanni Lopez para inspeksyunin ang airport at mga pantalang naapektuhan ng Bagyong Uwan sa lalawigan.

Facebook Comments