Pagsasabatas ng Anti-Terror Law sa Pilipinas, maaari pang bawiin ayon sa isang Senador

Maaari pa ring bawiin ang pagsasabatas ng Anti-Terror Law sa Pilipinas sakaling magkaroon ng pag-abuso dito.

Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Senator Vicente “Tito” Sotto III na malaki ang pinagkaiba ng Pilipinas sa ibang bansa tulad ng Australia, Singapore, Malaysia, China, Hongkong at iba pa, kung pagbabasehan ang mga safeguards na ipinatutupad ng gobyerno para sa mga mamamayan.

Kaya kung magkakaroon ng pang-aabuso gagawa ng paraan ang senado para ito ay bawiin.


Sa kabila nito, kumpiyansa si Sotto na mananatili pa rin ang Anti-Terrorism Law sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga petisyon laban dito.

Sa ngayon, sampung (10) petisyon na ang inihain sa Korte Suprema ng iba’t ibang grupo na kumukwestyon sa ligalidad ng nasabing batas.

Facebook Comments