Pagsasabatas ng Anti-Terrorism Bill, napapanahon na ayon sa AFP matapos mapatay sa isang operasyon sa Paranaque City ang dalawang miyembro ng ASG at kanilang supporters

Muling iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na napapanahon na para maging batas ang Anti-Terrorism Bill matapos na mapatay ng militar at pulis sa kanilang operasyon sa Paranaque City ang mag-asawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at dalawa nilang supporters.

Pasado alas-12:00 ng madaling araw kanina sa pamamagitan ng search warrant, sinalakay ng mga pulis at sundalo ang bahay ng mga terorista sa Better Living Subdivision, Barangay Don Bosco, pero isa sa mga suspek ay agad silang pinaputukan dahilan para magkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ng apat na mga suspek.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr., ang presensya ng mga terorista sa Metro Manila ay patunay na kahit nakararanas ng pandemya dulot ng COVID-19 ay may plano pa rin na manggulo ang mga ito, kaya’t dapat nang mapirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Bill at agad na maipatupad.


Giit ni Santos, layunin lamang ng panukalang batas na maprotektahan ang mga Pilipino laban sa terorismo.

Facebook Comments