Pagsasabatas ng kasunduan sa pagitan ng mga unibersidad at state security forces, hindi na kailangan ayon sa CHED

Iginiit ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera na
hindi na kailangan pang isabatas ang kasunduan sa pagitan ng mga unibersidad at state security forces.

Kasunod ito ng terminasyon sa 1989 University of the Philippines – Department of National Defense (UP-DND) Accord na nagbabawal sa pagpasok ng militar at pulis sa UP campuses ng walang notice mula sa pamunuan ng pamantasan.

Ayon kay De Vera, maaari naman itong pag-usapan nang magkahiwalay na partido.


Habang dapat din aniyang ilagay sa “very detailed operational guidelines” ang kasunduan na hindi kailangang dumating sa punto ng pagsasabatas.

Facebook Comments