Pagsasabatas ng mental health office sa bawat state universities and colleges, iginiit ng isang senador

Ipinasasabatas ni Senator Jinggoy Estrada ang pagkakaroon ng mental health offices (MHOs) sa bawat state universities and colleges (SUCs).

Iginiit ni Estrada ang mga pag-aaral na lumabas patungkol sa lumalalang problema sa estado ng mental health ng mga kabataan ay hindi dapat ipagwalang-bahala.

Iginiit ng mambabatas ang agad na pag-aksyon at pagbibigay solusyon sa problema sa pagsasabatas ng inihaing Senate Bill 1508.


Sa ilalim ng SUCs Mental Health Service Act, inaatasan ang mga paaralan sa pamamagitan ng kanilang MHOs na magdisenyo ng mga programa at magbigay ng mga serbisyo na tutugon sa emotional, behavioral at psychological issues ng mga estudyante.

Maliban sa mga mag-aaral, sakop din ng mental health offices ang pagtulong sa mga guro, mga kawani at non-teaching personnel sa mga paaralan na dumaranas ng mental health problem.

Ang mga MHO ay dapat may hotline na pangangasiwaan ng isang guidance counselor na may kasanayan sa pagbibigay ng kinakailangang tulong at magtatalaga rin dito ng mga mental health experts.

Matatandaang ikinabahala ng mga senador ang lubhang pagtaas ng bilang ng mga estudyante nagpakamatay nitong kasagsagan ng pandemya, ang kakulangan ng access ng mga ito sa mental health services gayundin ang kawalan ng guidance counselors sa mga paaralan.

Facebook Comments