Pagsasabatas ng P20 per kilo ng bigas, isinulong ng Liderato ng Kamara

Isinulong ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ma-isabatas ang pananatili ng pagbebenta ng P20 kada kilong bigas.

Bunsod nito ay pinakilos ni Romualdez ang Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) para magsagawa ng komprehensibong pag-aaral upang maging isang pambansang polisiya ang pagbebenta ng P20 kada kilong bigas.

Ayon kay Romualdez, handa ang Kamara na gumawa ng kinakailangang batas upang maisakatuparan ang layuning ito.

Diin ni Romualdez, mahalaga ang inisyatibang ito para sa pangmatagalang seguridad sa pagkain at para matulungan ang milyon-milyong pamilyang Pilipino.

Umaasa naman si Romualdez na matatapos ang pag-aaral ng CPBRD sa loob ng 60 araw upang magamit itong gabay ng Kamara sa pagbusisi ng pambansang badyet para sa susunod na taon.

Facebook Comments