PAGSASABATAS NG PAGTATAG NG NUCLEAR POWER PLANT, PATULOY SA PAG-USAD

Patuloy ang pag-usad ng House Bill 8218, PhilATOM Bill o pagsasabatas sa kamara ng pagtatag ng Nuclear Power Plant sa bansa, na planong itayo sa bayan ng Labrador, sa lalawigan ng Pangasinan.
Binigyang linaw ni Chairman on Special Committee on Nuclear Energy at 2nd District Representative Cong. Cojuangco sa naganap na Second Session sa Kongreso ang ilang mga katanungan ukol sa pagpapatupad ng nasabing proyekto.
Matatandaan na mas pinapapalakas pa ng tanggapan ang pakikipag-ugnayan sa mga nuclear agencies sa loob at labas ng bansa upang magkaroon ng dagdag na kaalaman sakaling maipatupad na ito.

Samantala, layon pa rin ng nasabing house bill na makapagbigay ng mas mura at ligtas na kuryente para sa lahat sa pamamagitan ng nuclear energy. |ifmnews
Facebook Comments