Pagsasabatas ng Philippine Agriculturists Act, magpapalakas sa kalidad at kredibilidad ng serbisyong-agrikultural

Buo ang pag-asa ni Camarines Sur 3rd District Representative Gabriel Bordado Jr., sa paglakas ng kalidad at kredibilidad ng mga serbisyong-agrikultural sa bansa gayundin ang pagbuti ng seguridad sa pagkain at patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura.

Mensahe ito ni Bordado makaraang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Philippine Agriculturists Act o Republic Act no. 12215.

Itinatakda ng batas ang pagtatag ng Professional Regulatory Board for Agriculturists sa ilalim ng Professional Regulation Commission o PRC na bubuuin ng mga kinatawan mula sa crop science, animal science, soil science, crop protection, agricultural economics/business/entrepreneurship, at agricultural extension and communication.

Tututukan ng board ang pagkakaloob ng lisensya, registration at regulasyon ng mga agriculturist sa bansa, at titiyakin na ang practitioners ay nakakasunod sa standards at ethical guidelines.

Base sa batas, ang mga nakapasa sa examination at rehistrado sa PRC ang papayagan na legal na na makapag-practice bilang agriculturists, habang ang lahat ng provincial at municipal agriculturist offices ay dapat pamunuan ng licensed agriculturist.

Facebook Comments