Pagsasabatas ng pinalawak na suportang pangkalusugan sa mga guro, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Paranaque 2nd District Rep. Brian Yamsuan na maisabatas ang mas pinalawak na suportang pangkalusugan para sa mga guro at iba pang kawani ng Department of Education (DepEd).

Nakapaloob ito sa House Bill 2579 na inihain ni Yamsuan na layuning matiyak na malalaanan ng sapat na pondo taon-taon ang mga serbisyong pangkalusugan para sa mga guro.

Nakapaloob sa panukala ni Yamsuan ang mala-Health Maintenance Organization o HMO benefits o ₱7,000 na medical allowance kada taon sa mga kwalipikadong guro at DepEd personnel bukod pa sa kanilang benepisyo mula sa Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth).

Sabi ni Yamsuan, sa pamamagitan nito ay mai-aangat ang morale ng mga guro at mababawasan ang kanilang pagliban sa trabaho na tiyak magbibigay ng positibong resulta sa pagkatuto ng kanilang mga estudyante.

Ang panukala ni Yamuan ay alinsunod sa binanggit ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa kanyang State-of-the-Nation Address (SONA) na pagtugon sa matagal ng problema sa sektor ng edukasyon at pagpapabuti sa kapakanan ng mga guro.

Facebook Comments