Pagsasabatas ng tulong-pinansyal para sa mga solo parents, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Bagong Henerasyon (BH) Party-list representative Robert Nazal na maisabatas ang Financial Assistance for Solo Parents Program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakapaloob ito sa inihain ni Nazal na House Bill No. 240 o panukalang magpapalawig pa sa mga benepisyong itinatakda ng Expanded Solo Parents Welfare Act.

Sa panukala ni Nazal ay bibigyan ng direktang tulong pinansyal, pagkain para mabigyan ng sapat na nutrisyon ang kanilang anak, medical, educational at livelihood assistance ang mga kwalipikadong solo parents sa buong bansa.

Batay sa panukala ni Nazal, ang qualified solo parent na kumikita ng hindi hihigit sa 14 thousand pesos kada buwan ay makakatanggap ng ₱5,000 pesos hanggang ₱15,000 na cash assistance at dapat may rice assistance din sila mula sa lokal na pamahalaan.

Facebook Comments