Pagsasabatas ng Vape Bill, labis na ikinadismaya ni Senator Pia Cayetano

Tila nadurog ang puso ni Senator Pia Cayetano dahil sa pagkadismaya makaraang tuluyan ng maging batas ang Vaporized Nicotine Products Regulation Act o Vape Bill.

Ayon kay Cayetano, umasa sya na ibi-veto o ibabasura ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang Vape Bill makaraang mabanggit sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na ang siyensya o science ang magiging pundasyon ng mga programa ng administrasyon lalo na sa sektor ng kalusugan at edukasyon.

Paliwanag ni Cayetano, malinaw ang sinasabi ng science na masama sa kalusugan ang vape.


Binigyang diin pa ni Cayetano ang pahayag ng mga health experts na nagpapanggap lang na health bill ang vape bill pero ang totoo ito ay para mapaluwag ang regulasyon sa paggamit ng vape.

Kaugnay nito, tiniyak ni Cayetano na patuloy nyang isusulong ang kalusugan at ikabubuti ng mga Pilipino laban sa matinding pagla-lobby ng mga kompanya at policymakers na mas pinapaboran ang sariling interes kesa sa kapakanan ng mamamayan.

Facebook Comments