Taos pusong nagpasalamat si Senator Pia Cayetano sa serbisyong ibinigay ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa bayan.
Pangunahing kinilala ni Cayetano ang naging papel ni PNoy sa pagsasabatas ng Reproductive Health bill na nilagdaan nito sa halip na i-veto sa kabila ng matinding pressure mula sa mga grupong kontra.
Paalala pa ni Cayetano, ang RH Law ay magkatuwang nilang ipinaglaban noon ni PNoy kahit na magkaiba sila ng partidong kinabibilangan.
Kaya ayon kay Cayetano, sa ngalan ng mga kababaihan ay nagpapasalamat sila kay PNoy dahil sa RH Law na nagpapatupad ng mga programa para sa reproductive health at family planning.
Facebook Comments