
Iginiit ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang pangangailangan na maisabatas ang Comprehensive Anti-Political Dynasty Bill upang matuldukan ang “toxic political family drama.”
Sinabi ito ni Cendaña sa gitna ng away ng mga miyembro ng pamilya Marcos kung saan inakusahan ni Senator Imee Marcos ang First Lady Liza Araneta Marcos at kanilang mga anak ng paggamit ng ilegal na droga.
Diin ni Cendaña, ang pasabog ni Senator Imee ay nagpapakita na hindi dapat gawing isyung pampamilya ang pamumuno sa bansa upang hindi maapektuhan ang lagay ng bayan.
Katwiran ni Cendaña, ang ilang dekadang pamamayagpag ng political dynasties ang sanhi ng kasalukuyang estado ng politika sa bansa kung saan nadadamay ang mamamayan sa agawan nila ng kapangyarihan.
Facebook Comments









