Nangako si Senate President Tito Sotto III na kanilang sisikapin na maipasa ngaung Nobyembre ang inamyendahang Human Security Act natatawaging Anti-Terrorism Act.
Ayon kay Sotto, maari ng alisin ang martial law sa Mindanao sa oras na maipasa at mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti Terror Law.
Paliwanag ni Sotto sa oras na maisabatas ang panukalang anti terror law ay irerekomenda ng Department of National Defense ang pag-alis sa umiiral na martial law sa Mindanao.
Tugon ito ni Sotto sa hiling ni Mayor Sara Duterte, alisin na ang pinamumunuan niyang Davao City sa saklaw ng martial law.
Hanggang sa katapusan ng December 2019 ang bisa ng pinalawig na martial law sa Mindanao na sinimulang ipatupad noong may 2017 laban sa paghahasik ng karahasan ng maute terror group sa Marawi City.