Manila, Philippines – Nanganganib matigil ang pagpapatupad ng 4P’S o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng pamahalaan sakaling ipatigil na ito ng susunod na administrasyon.
Ito ang ibinabala ni Senador Sonny Angara kaya’t isinusulong niya ang panukalang gawing ganap na batas ang 4P’s.
Sa ilalim ng senate bill 310 na ini-akda ni Angara, gagawin nitong institutionalized ang nasabing programa na naglalayong mabawasan ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.
Batay sa pag-aaral, malaki ang naitutulong ng 4P’s sa mga pinakamahihirap na pamilya at upang mabigyan sila ng pagkakataong makapagsimula ng bagong buhay upang umahon sa kahirapan.
Kaya naman nanawagan si Angara sa kaniyang mga kapwa mambabatas na suportahan ang kaniyang inihaing panukala upang mabigyang seguridad ang mga mahihirap na Pilipino.
DZXL558