Pagsasabatas sa panukala na magsusulong ng mga tradisyong laro at palakasan ng mga katutubo, pinamamadali ng isang senador

Pinamamadali na ni Senator Loren Legarda sa Senado ang pagsasabatas ng panukalang poprotekta at magsusulong ng mga tradisyon ng mga katutubo tulad ng mga laro at palakasan.

Ginawa ng senadora ang suhestyon sa gitna na rin ng paggunita ng bansa sa Cultural Communities Week bilang pagpapahalaga at pagpapanatili ng iba’t ibang tradisyong pamana ng mga indigenous people.

Dahil dito, ipinasasabatas ni Legarda ang Senate Bill 1340 kung saan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pakikipagtulungan ng Philippine Olympic Committee at Local Government Units (LGUs) ay kailangang magsagawa ng annual regional at national indigenous sports competition.


Minamandato rin ng panukala ang mga ahensya ng gobyerno na maglatag ng mga hakbang na magpapanatili ng indigenous games sa bansa.

Umaasa si Legarda na mas marami pang polisiya at programa ang itatatag para maprotektahan at ma-preserve ang kultura ng mga katutubo gayundin ang mas maraming tao pa ang magkaroon ng mas malalim na kamalayan, pagpapahalaga at pagkilala sa ating cultural heritage.

Facebook Comments