Manila, Philippines – Maaring sabay na umusad ang proseso ng impeachment complaint at ang ihahaing quo warranto case laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Ito ang pananaw ni Atty. Manny Luna sa isinagawang pulong pambalitaan sa Quezon City sa harap ng posibilidad na maunahan na ng mga kaganapan partikular ng pag-aakyat sa Senado ng impeachment complaint laban sa Chief Justice.
Kung mauna aniyang matapos ang pagdinig sa quo warranto, magiging moot na ang impeachment hearing sa Senado ang ihahaing petition para sa Quo warranto.
Aniya, maaring abutin lamang ng tatlong buwan ang pagdinig sa quo warranto petition kung ihahambing sa proseso ng impeachment na inaabot ng isang taon kung pagbabatayan ang Corona impeachment proceedings.
Pinanindigan ni Atty. Luna na isang DeFacto Chief Justice si Sereno sa simula pa ay null and void na ang ang kaniyang appointment.
Idinagdag ni Luna na tanging ang Office of the Solicitor General ang may legal na personalidad na magharap nito.
Malamang Aniya sa susunod na linggo na iharap ang quo warranto sa Korte Suprema.