Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na lilimitahan nila pagsasagawa ng mga face-to-face campaigning ng mga kandidatong sa Halalan 2022.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, kasalukuyan pa ring binabalangkas ng ahensya ang iba pang guidelines para sa pangangampanya.
Pero nakadepende aniya sa quarantine classification ng isang lugar ang bilang ng mga mangangampanya.
Habang nananatili naman sa 90 araw ang campaign period ng tatakbo para sa national positions na magsismula sa Pebrero 8 hanggang Mayo 7, 2022 at 45 araw naman sa tatakbo sa local election na magsisimula sa Marso 25 hanggang Mayo 7.
Samantala, inilabas din ng COMELEC ngayong araw ang tentative list ng mga kandidato para sa national at local elections sa 2022
Sa nasabing listahan, 97 dito ang nais tumakbo bilang pangulo, 28 ang bise-presidente at 174 naman ang senador.