Target ng Commission on Elections (COMELEC) na tapusin ang 18 plebisito sa buong bansa sa Enero o Pebrero ng 2023.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, hindi nila matatapos ngayong taon ang lahat ng plebisito dahil naghahanda rin sila para sa 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Gayunman, matutuloy aniya ang anim na plebisito ngayong taon sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Tiniyak naman ni Garcia na nakikipag-ugnayan na sila sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Department of Education (DepEd) para sa ligtas at mapayapang plebisito.
Facebook Comments