Inirerekomenda ng National Task Force Against COVID-19 na gawin sa magkakaibang araw ang 2022 national elections.
Ayon kay NTF Secretary Carlito Galvez Jr., mukhang malabo ang isang araw na botohan kung saan milyon-milyong Pilipino ang pupunta sa mga voting precint dahil pa rin sa banta ng COVID-19 variants.
Maaari rin aniyang gawin ang eleksyon ‘in phases’ sa Luzon, Visayas at Mindanao na tatlong pangunahing isla sa bansa.
Dahil dito, target nilang gumawa ng plano tungkol sa nasabing usapin kasama ang Kamara at Senado.
Batid na batay sa 1987 Constitution , ang national election ay ginagawa kada 3 o 6 na taon tuwing ikalawang Lunes sa buwan ng Mayo.
Facebook Comments