Posible pa ring gawin ang halalan sa susunod na taon ng ligtas sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Israel Disaster Management Coordinator Chalm Markos Rafalowski, dalawang beses silang nakapagsagawa ng eleksyon kahit may pandemya noong Marso 2020.
Naglatag sila ng guidelines para sa political rallies at bumuo ng sistema para payagan ang mga tao na i-exercise ang kanilang karapatang bumoto habang pinapanatili ang restrictions.
Inihalimbawa ni Rafalowski ang pag-deploy ng voting booths sa mga ospital at pagkakaroon ng voting system para sa mga taong naka-home quarantine.
Pagtitiyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III na makikipagtulungan sila sa Commission on Elections (Comelec) para tiyaking ligtas ang gagawing May 2022 elections.
Facebook Comments