Marawi City – Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines na hindi pa maaaring itigil ang ginagawang air strikes ng Philippine Air Force sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, mahalaga ang air strikes para maiwasan na madagdagan ang mga sundalong nagbubuwis ng buhay sa battle zone.
Paliwanag ni Padilla, mayroong mga naitanim na Improvised Explosive Device ang Maute sa lungsod kaya nag-iingat ang mga sundalo, sa katunayan aniya ay mayroong dalawang sundalo dahil sa IED.
Sa ngayon aniya ay nasa 50-60 ang kalaban ng gobyerno sa Marawi City.
Tiniyak din naman ni Padilla na hindi bobombahin ng airstrike ang malaking mosque sa lungsod pero naghahanap aniya ng paraan ang militar para makuha ito mula sa mga terorista.