Pagsasagawa ng assessment sa mga bahay na nasira ng nagdaang kalamidad sa Misamis Oriental, inutos ni PBBM na madaliin

Pinatitingnan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga bahay na nasa kategoryang partially damaged at totally damaged kaugnay ng nagdaang kalamidad sa Misamis Oriental nitong nagdaang Kapaskuhan.

Sa pagbisita ng pangulo sa mga apektadong residente sa Gingoog City, sinabi nitong gusto niyang malaman kung ilang kabahayan ang bahagyang nawasak at ilan ang completely damaged.

Kung kakayanin aniyang muling maitayo ang mga tahanang nawasak ay magdadala ang gobyerno ng rebuilding materials pero kung hindi na uubra pa ay titingnan nilang maipagpatayo na lang ng bago.


Option din ayon sa pangulo ang dalhin na sa resettlement area ang mga residenteng tuluyan ng wala nang mababalikan pang kabahayan sa tulong na rin ng National Housing Authority o NHA.

Pagtiyak ng presidente na maibibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha at landslide sa Misamis Oriental dahil sa walang humpay na malakas na pag-ulan nitong nakaraang Pasko.

Facebook Comments