Inaprubahan ng Committees on Suffrage and Electoral Reforms, Muslim Affairs, at Peace, Reconciliation and Unity ang substitute bill na layong ipagpaliban ang nakatakdang 2022 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections.
Mula sa inaprubahang substitute bill, ipinapanukalang isabay na lamang sa 2025 elections ang BARMM elections.
Sa pagtatapos naman ng termino ng kasalukuyang mga opisyal ng Bangsamoro Transition Authority, bibigyang kapangyarihan ang Pangulo na italaga ang walumpung miyembro ng BTA na magsisilbi hanggang Junyo 30, 2025.
Ibig sabihin, ang mga kasalukuyang nakaupo ngayon sa BTA ay mapapalitan kahit pa sa 2025 ang halalan sa BARMM.
Inaasahan naman ni Peace, Reconciliation and Unity Committee Chair Esmael Mangudadatu na sa susunod na linggo ay maisasalang na ito sa plenaryo.