PAGSASAGAWA NG BIKE LANE SA BAHAGI NG DE VENECIA HIGHWAY, ITUTULOY NG DPWH

Itutuloy ng Department of Public Works and Highways ang pagsasagawa ng bike lane para sa phase 2 nito sa bahagi ng De Venecia Highway sa Dagupan City.

Ang pagpapatuloy nito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga siklistang dumadaan sa highway.

Ayon sa DPWH, bukod sa bike lane ay isasagawa rin ang drainage system sa nasabing bahagi.

Mayroon na itong nakalaan na pondo na nagkakahalaga ng nasa 19-20 million pesos.

Inaasahan ang muling pagsisimula nito sa second quarter week ngayong buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments