Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagsasagawa ng “Bayanihan, Bakunahan” kada buwan sa ilang piling lugar.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairman at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, layon nito na mapataas vaccination rate sa bansa.
“Iniisip natin ‘yung iba-ibang strategy. Baka kahit gawin natin buwan-buwan na specific areas siguro o kaya specific target. Nakita natin na medyo kailangan natin taasan ‘yung atin pang senior citizens,” ani Cabotaje
Sa tala ng NVOC, 5 million seniors ang nakatanggap na ng unang dose; 6.2 million ang fully vaccinated at 1.5 million ang may booster shots.
Habang mayroon pang 2.5 million senior citizens sa bansa ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.
Facebook Comments