Pinaigting ng Philippine National Police sa bayan ng Mangaldan Pangasinan ang pagsasagawa ng checkpoint kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga lumalabag sa batas trapiko.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang hindi pagsunod sa batas trapiko ay isa nagiging dahilan ng aksidente sa kakalsadahan.
Iniisa-isa ng pulisya ang mga sasakyan na dadaan sa checkpoint upang makita kung nagsusuot ba ang mga ito ng helmet o di kaya ay mayroong lisensya sa pagmamaneho.
Ilan kasi sa nakikitang dahilan ng aksidente ay ang hindi pagsunod sa nasabing batas.
Ayon sa PNP,umaabot sa 150 kada araw ang na-iisueng ticket ng kanilang tanggapan sa mga indibidwal na lumalabag sa batas trapiko.
Hinikayat ng awtoridad ang residente ng bayan na sumunod na lamang sa batas trapiko upang maging ligtas sa kapahamakan. | ifmnews
Facebook Comments