Pormal nang irerekomenda ng MWSS ang pagsasagawa ng cloudseeding operations para tugunan ang bumababang lebel ng tubig sa Angat dam.
Ang Angat ay ang pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila at Central Luzon.
Ayon kasi sa PAGASA, posibleng bumagsak sa critical level na 180 meters ang antas ng tubig sa Angat dam pagsapit ng Abril.
Sabi ni MWSS administrator Reynaldo Velasco, mas maganda kung ngayon pa lang ay magsagawa na ng cloudseeding para masigurong tuloy-tuloy ang agos ng tubig sa dam at maiwasan ang sisihan.
Sa ngayon, nasa pagitan ng 195 at 196 meters ang water level sa Angat.
Pero kamakailan sinabi ni National Water Resource BOARD (NWRB) Executive Director Dr. Sevillo David Jr. Na sapat ang tubig sa angat hanggang Abril kahit walang ulan.
Sakali namang umabot sa critical level, ipa-prayoridad ng water regulator ang distribusyong ng tubig para sa irigasyon.