Pagsasagawa ng conventions at trainings, posibleng magdulot ng COVID-19 superspeaders – OCTA

Hinimok ng OCTA Research Group ang pamahalaan na muling pag-aralan ang direktiba nitong payagan ang pagsasagawa ng conferences at seminars sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Naniniwala kasi ang grupo na posilbleng maging pagmulan ito ng “superspreaders” ng COVID-19.

Ayon sa mga eksperto na maaaring magdulot ito ng panibagong wave ng mga kaso.


Mahalagang maingat ang pamahalaan sa mga direktibang ilalabas ngayong holiday season.

Nanawagan din ang Research Team sa gobyerno na maglabas ng malinaw na guidelines sa publiko para sa mga aktibidad na pwedeng gawin ngayong Christmas season na hindi magdudulot ng viral transmission.

Bukod dito, iniulat din ng grupo na apat na Local Government Units (LGUs) ang itinuturing na “high risk” areas kabilang ang Makati City, Davao City, Mankayan at Baguio City sa Benguet.

“Moderate risk” naman ang Quezon City, Pateros, Muntinlupa, Tuguegarao City, San Pablo (Laguna), La Trinidad (Benguet) at Balanga (Bataan).

Ang mga lalawigan naman na itinuturing na “areas of concern” dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 mula December 1 hanggang 7 ay ang Davao del Sur, Benguet, Isabela, Cagayan, Ilocos Norte, Pangasinan, Leyte at Bataan.

Sa kabila ng pagtaas ng infection sa ilang lugar, ang national reproduction number ay bumaba sa 0.91 mula November 30 hanggang December 6.

Tiwala ang OCTA na kaya ng pamahalaan sa tulong ng pribadong sektor at ng publiko na maiwasan ang post-holiday surge ng COVID-19 cases.

Facebook Comments