Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pagsasagawa ng dredging sa Bicol River para maiwasan ang pagbabaha sa mga kalapit na lugar kapag may bagyo.
Sa pulong, binanggit ni Camarines Sur Governor Miguel Luis Villafuerte ang proposal na sinusuportahan ng isang pag-aaral mula sa World Bank noong 2013 hinggil sa kahalagahan ng dredging sa Bicol River.
Bukod dito, isinusulong ni Presidential Adviser for Bicol Affairs Marvel Clavecilla na muling buhayin ang Bicol River Basin Development Project.
Pero ayon sa Pangulo, mas nais niyang isang tao lamang sa komite ang mangangasiwa sa river development project para mabilis itong naipatutupad.
Tiniyak ni Pangulong Duterte sa mga residente na maihahatid ang tulong para sila ay makabangon mula sa serye ng mga bagyong dumaan sa bansa.
Nagpaalala lamang ang Pangulo sa local authorities na tugunan ang ilang concerns hinggil sa programa.