Pagsasagawa ng face-to-face classes, mananatiling posibilidad – DepEd

Mananatiling posibilidad ang pagsasagawa ng face-to-face classes.

Ito ang inihayag ng Department of Education (DepEd) kasabay ng pagpapatupad ng distance learning sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Education Undersecretary for Administration Alain Del Pascua, hindi nila inaalis ang posibilidad dahil hindi mareresolba ang mental health issues ng mga bata kung walang physical classes.


Sinabi ni Pascua, patuloy na tinatalakay ng DepEd at iba pang ahensya ang posibilidad ng face-to-face classes lalo na sa ‘low risk’ areas.

Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagang magsagawa ng face-to-face classes hanggang sa magkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments