Pagsasagawa ng geomapping, inutos ni PBBM para mapataas ang ani ng mga magsasaka

Direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagsasagawa ng geomapping sa mga lupang sakahan para mapataas ang ani ng mga magsasaka.

Ang utos ay ginawa ni PBBM matapos makipagpulong sa Philippine Rice Industry Stakeholders Movement o PRISM sa Malacañang.

Paliwanag ng pangulo ang geomapping ay ginagamit na ng gobyerno sa pagresolba sa titling issues para mapalakas ang agricultural production at maging ang kita ng mga magsasaka.


Ang geomapping ay isang proseso kung saan kino-convert bilang geomap ang mga datos mula sa mga survey sa pamamagitan ng pagbibigay ng mabilis at accurate na visualization sa isang lugar o lokasyon.

Ayon naman kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil, sa isinagawang meeting kasama ang presidente ay naglatag ang PRISM ng ilang concerns ngunit karamihan aniya sa mga hamon na ito ay maaaring masolusyunan sa tulong ng kasalukuyang mga intervention at programa ng gobyerno.

Kasama sa mga tinukoy na government interventions ay ang pagpapatupad ng Farm and Fisheries Consolidation and Clustering program (F2C2), pagkakaloob ng iba’t ibang suporta tulad ng credit and financing ng Department of Agriculture (DA) at Land Bank of the Philippines at pagtatayo ng mga climate-smart agriculture infrastructure.

Facebook Comments