Manila, Philippines – Muling iginiit ng Senate Minority Bloc na dapat magsagawa ng joint session ang senado at kamara para talakayin ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao.
Sabi ni Sen. Risa Hontiveros, mahalagang magkaroon ng check and balance sa kapangyarihan ng pangulo.
Ipinunto naman nina Senators Francis Pangilinan at Bam Aquino na dapat ay may public venue para sa naturang talakayan.
Samantala, hindi naman natatakot si Sen. Antonio Trillanes na baka naaabuso ang Armed Forces of the Philippines habang umiiral ang batas militar.
Dagdag pa ni Trillanes ang tanging kinakatakot niya ay baka si Pangulong Duterte ang umabuso sa kapangyarihan.
Ayon pa kay Hontiveros sa briefing na ibinigay sa kanila ng security officials, sinabi umano ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na kayang sugpuin ng AFP ang Maute group kahit na wala ang batas militar.
DZXL558