Thursday, February 12, 2026

Pagsasagawa ng Kamara ng konsultasyon sa publiko kaugnay sa panukalang Anti-Political Dynasty, sisimulan ngayong araw

Aarangkada na ngayong araw ang “public consultations” ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms kaugnay ng mga panukalang Anti-Political Dynasty na kasama din sa priority measures ng Legislative Executive Development Advisory Council.

ang unang public consultation ay gaganapin ngayong alas-9:00 ng umaga hanggang alas dose ng tanghali sa Carmona, Cavite

Inaasaang lalahok dito ang mga miyembro ng komite, mga may-akda ng panukala, at mga kongresista mula sa Cavite at Laguna.

Inimbitahan din ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan ng iba’t ibang bayan o lungsod sa Cavite at Laguna.

Ngayong 20th Congress ay nasa 20 ang Anti-Political Dynasty Bills na nakahain sa Kamara kasama ang ini-akda ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III at Majority Leader Sandro Marcos.

Facebook Comments